MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng Big Chill ang manatiling malinis sa PBA D-League Aspirants’ habang buksan sa pamamagitan ng panalo ang hanap ng NLEX sa pagpapatuloy ng laro ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Kalaban ng Superchargers ang Cebuana Lhuillier sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon at pakay ang ikaapat na sunod na panalo at manatiÂling nangunguna sa 14 na koponang liga.
Ang Superchargers ang siyang unang koponan na magtatala ng 4-0 karta dahil nakatikim na ng kabiguan ang dating nanguÂngunang Cagayan Valley.
“Hindi ko inaasahan na ganito ang start namin dahil marami rin ang baguhan sa amin. But we have been working hard in practice and it’s paying off,†wika ni Superchargers coach Robert Sison.
Sina dating PBA players Reil Cervantes at Khazim Mirza ang naghahatid ng mahalagang karanasan sa koponan habang pinalakas ang opensa ng Big Chill ng pagpasok ni Juneric Baloria na hinangaan sa pagbuslo noong naglalaro pa sa Perpetual Help sa NCAA.
Sa kabilang banda, ang Gems ay may 1-2 karta at kapansin-pansin na hindi pa buo ang chemistry ng koponan kahit ang core players nila ay galing sa UE at ang kanilang coach ay ang Red Warriors mentor na si David Zamar.
Hindi naman ipinapasok ni Sison sa isipan ng manlalaro na madaling asignatura ito dahil inaasahan niya ang pagputok ng Gems para makabangon sa dalawang pagkatalo.
Mauuna rito ang pagbubukas ng kampanya ng four-time champions Road Warriors kontra sa Arellano University sa ganap na alas-12 ng tanghali.
Bubuuin ngayon ng core players ng NCAA titlist San Beda, ang koponan ay sasandal sa kanilang puso na manalo para maisantabi ang kakulangan pa ng panahon para magsanay dahil tinutukan muna ng mga Lions at ni coach Boyet FerÂnandez ang ginawang kampanya sa NCAA.
Tinalo ng San Beda at Letran, 80-76, noong Sabado para ibulsa ang ika-18 titulo sa NCAA.
Ang huling laro dakong alas-4 ng hapon sa sa paÂgitan ng Café France at Derulo Accelero.
Pagsisikapan ng BaÂkers na humiwalay sa pakikisalo sa Boracay Rum sa ikaanim at pitong puwesto sa 2-2 baraha ngunit hindi madali ito dahil ang Oilers ang magpupursigi na wakasan ang apat na sunod na pagkatalo.