Donaire nagkaroon ng orbital fracture injury
MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni dating unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. na nagkaroon siya ng injury sa kanilang rematch ni Vic ‘The Raging Bull’ Darchinyan noong Linggo sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.
Ito ang sinabi ni Donaire sa panayam ng ‘Umagang Kay Ganda’ matapos ang kanyang ninth-round TKO (Technical Knockout) win laban kay Darchinyan sa kanilang non-title, 10-round featherweight fight.
“Na-injure kasi ako sa fight, sa fifth round. Natamaan ako sa cheek,†wika ng 30-anyos na si Donaire tungkol sa lumusot na left hook ng 37-anyos na si Darchinyan sa fifth round. “Orbital fracture ang sabi ng doctor.â€
Sinabi pa ng tubong Talibon, Bohol na lubha siyang nasaktan sa suntok na pinakawalan ni Darchinyan, pinatumba niya sa fifth round sa kanilang unang paghaharap noong Hulyo ng 2007 para agawin sa Armenian ang mga suot nitong International Boxing Organization (IBO) at International Boxing Federation (IBF) flyweight titles.
“Parang ang sakit kasi sa mukha. Lumabas sa isipan ko na baka, ‘okay na lang, okay na lang.’ Pero sabi ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng magawa talaga na sumuko,†wika ni Donaire (32-2-0, 21 KOs).
“Sabi ko sa sarili ko na, ‘I have to do this.’ Hindi lang ito sa sarili ko. Wala ito kumpara sa lahat ng nangyari d’yan,†dagdag pa ng 2012 Fighter of the Year awardee.
Plano ni Donaire na pagalingin ang kanyang injury bago muling mag-ensayo para sa posibleng rematch nila ni Guillermo Rigondeaux ng Cuba na tumalo sa kanya sa kanilang unification super bantamweight fight noong Abril nitong taon.
Sinabi ni Rigondeaux (12-0-0, 8 KOs) na maaari niyang bigyan ng rematch si Donaire kapag nanalo siya kay challenger Joseph Agbeko sa Disyembre 7 sa Atlantic City.
“I am the king at 122 (pounds),†ani Rigondeaux, isang two-time Olympic gold medalist. “If Nonito wants it, we can meet in Miami in March 2014.
- Latest