Starmen vs Nougat sa PBL Finals

MANILA, Philippines - Sumandal ang Phi­lip­pine STARmen sa 34 points ni Niño Marquez para talunin ang Acquire, 79-62, at makapasok sa Finals ng Passion Basketball League noong Huwebes sa Cloverleaf Gym sa Guadalupe.

Makakatapat ng Starmen sa Finals ngayong alas-7 ng gabi ang Nougat sa nasabi ring venue.

Nagdagdag si Raymond Maconocido ng 17 points, habang may tig-6 markers sina Gio Coquilla at Dennis Rodriguez para sa Starmen.

Muling aasa ang Starmen, natalo sa Nougat sa eliminations, kina defensive players Vher Roque, Jesse Bustos, Gerald Ortega, Mario Geocada, Bong Martinez at Niño Sangalang sa ilalim nina coach Alfred Bartolome, Rene Recto at team manager Mike Maneze.

 

Show comments