^

PSN Palaro

UAAP football mapapanood sa Studio 23

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gagawa ng kasaysayan ang UAAP sa larangan ng college football dahil ipapalabas ng live ang isang laro sa pagbubukas ng UAAP football sa Nobyembre 23.

Ang huling laro sa triple-header game sa pagitan ng Far Eastern University at National University ang mapapanood sa Studio 23 sa ganap na ika-3 ng hapon.

Ang iba pang laro na isasagawa pero hindi maipapalabas sa telebisyon ay ang labanan ng La Salle at UST sa ganap na ika-10 ng umaga at UP at UE dakong ala-1 ng hapon.

Walang laro ang nagdedepensang kampeon Ateneo at sa Nobyembre 26 pa sila magbubukas ng kampanya laban sa Tamaraws.

Ang FEU ay ibabandera uli ni striker Jess Melliza na gumawa ng 22 goals noong nakaraang taon. Ito ang tatayong league record at inaasahang lalong gagawin ni Melliza para maging title contender ang Tamaraws sa taong ito.

Malaking hamon para sa Blue Eagles ang maidepensa ang titulo lalo pa’t hindi maglalaro sa taong ito ang mahusay na goalkeeper na si Nick O’Donnell at midfielder Val Calvo dahil sa academics.

Bunga nito, aasa ang Ateneo sa mga beteranong sina Yu Murayama, Mikko Mabanag, Jock Noel at Carlo Liay na siyang Rookie of the Year noong 2012 season.

Apat pang laro ang ipapalabas ng live sa Studio 23 at ang mga ito ay ang labanan ng UST-Ateneo sa Nobyembre 29, UP-Ateneo sa Disyembre 6, Ateneo-La Salle sa Disyembre 13 at La Salle-FEU sa Disyembre 23.

Ang laro sa kababaihan ay magsisimula sa Nobyembre 24 at katatampukan ito ng bakbakan ng Ateneo-UST sa  ala-1 ng hapon at La Salle-UP dakong alas-3.

ATENEO

ATENEO-LA SALLE

BLUE EAGLES

CARLO LIAY

DISYEMBRE

FAR EASTERN UNIVERSITY

JESS MELLIZA

JOCK NOEL

LA SALLE

NOBYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with