Phl International kegfest gugulong bukas

MANILA, Philippines - Bubuksan bukas ang 42nd Philippine International Open Tenpin Bow­ling Championship sa Sta. Lucia Center sa Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Ang mga batikang bow­­lers ng bansa ay ma­kiki­pagtagisan sa mga mahuhusay na manlalaro sa Asia sa kompetisyong magtatapos sa Nobyembre 17.

Suportado ng Asian Bowling Federation ang torneong inorganisa ng Philippine Bowling Congress (PBC) sa pakikipagtulungan ng Sta. Lucia Mall, Boysen Paints, Philippine Olympic Committee at Phi-lippine Sports Commission.

May ayuda rin ang University of Perpetual Help System, Richmonde Hotel Ortigas at National Bow­ling Tour.

Si PBC president Dr. Ronnie Mendoza ang siyang maghahatid ng welcome remarks sa opening ceremony sa ganap na alas-10 ng umaga.

Ang mga dibisyong pag­lalabanan sa 15-araw na torneo ay singles, trios, men’s at ladies’ Open Masters, Graded Masters, Associate Masters, Rookie Masters, Senior Masters at Boys’ at Girls’ Youth Masters.

Magkakaroon din ng espesyal na event na Toti Lopa  Memorial Cup Team at Individual Masters competition. Si Lopa ay ang da­ting pangulo ng PBC na yumao kamakailan habang kinakatawan ang bansa sa WTBA World Championships at Congress sa Las Vegas, Nevada.

Show comments