Phl International kegfest gugulong bukas
MANILA, Philippines - Bubuksan bukas ang 42nd Philippine International Open Tenpin BowÂling Championship sa Sta. Lucia Center sa Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.
Ang mga batikang bowÂÂlers ng bansa ay maÂkikiÂpagtagisan sa mga mahuhusay na manlalaro sa Asia sa kompetisyong magtatapos sa Nobyembre 17.
Suportado ng Asian Bowling Federation ang torneong inorganisa ng Philippine Bowling Congress (PBC) sa pakikipagtulungan ng Sta. Lucia Mall, Boysen Paints, Philippine Olympic Committee at Phi-lippine Sports Commission.
May ayuda rin ang University of Perpetual Help System, Richmonde Hotel Ortigas at National BowÂling Tour.
Si PBC president Dr. Ronnie Mendoza ang siyang maghahatid ng welcome remarks sa opening ceremony sa ganap na alas-10 ng umaga.
Ang mga dibisyong pagÂlalabanan sa 15-araw na torneo ay singles, trios, men’s at ladies’ Open Masters, Graded Masters, Associate Masters, Rookie Masters, Senior Masters at Boys’ at Girls’ Youth Masters.
Magkakaroon din ng espesyal na event na Toti Lopa Memorial Cup Team at Individual Masters competition. Si Lopa ay ang daÂting pangulo ng PBC na yumao kamakailan habang kinakatawan ang bansa sa WTBA World Championships at Congress sa Las Vegas, Nevada.
- Latest