^

PSN Palaro

Bangis ng Lady Bulldogs masusukat sa Lady Eagles

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipapakita ng National University ang bagong lakas sa UAAP women’s volleyball sa pagsalang sa pagsisimula ng liga sa Dis­yembre 1 sa Smart Araneta Coliseum.

Magbabalik si  6’2 Dindin Santiago sa koponan pero mas lumakas ang Lady Bulldogs sa pagpasok ng nakababatang ka­patid na si 6’4 Jaja Santiago.

Nakita na ang bangis ng dalawang magkapatid ng tulungan ang National University sa kampeonato sa season 10 Shakey’s V-League first conference ngunit ngayon lamang mag­tatambal ang dalawa sa UAAP.

Kalaban ng NU ang bagong bihis na Ateneo sa unang laro sa women’s division.

Sina Fille Cainglet, Dzi Gervacio, Gretchen Ho, Jem Ferrer at Aillysse Nacachi na naihatid ang Lady Eagles sa pangalawang puwesto noong nakaraang taon, ay wala na kaya’t mga baguhan ang ipaparada ng koponan at makakatulong ng power spiker na si Alyssa Valdez.

Ang tampok na laro ay sa pagitan ng  De La Salle, asam ang 4-peat laban sa host Adamson na magsisimula sa alas-4 ng hapon.

Mapapanood din sa araw na ito ang laro sa men’s division na katatampukan ng nagdedepensang kampeon na National University at La Salle na magsisimula matapos ang sukatan ng pumangalawa noong nakaraang taon na FEU kontra Adamson  sa ganap na alas-8:30 ng umaga.

vuukle comment

ADAMSON

AILLYSSE NACACHI

ALYSSA VALDEZ

DE LA SALLE

DINDIN SANTIAGO

DZI GERVACIO

GRETCHEN HO

JAJA SANTIAGO

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with