MANILA, Philippines - Limang boksingero ng Cagayan de Oro Team A ang nanalo sa kanilang mga laban para hiranging kampeon ng 2013 PLDT-ABAP Mindanao Boxing Tournament na natapos kamakalawa sa Tourism Hall ng Cagayan de Oro City.
Nanguna sa delegasÂyÂon sa Jeronel Borres na hiÂniritan ng unanimous paÂnalo si Renemark Cuarto ng PACMAN, Sarangani Province.
Dalawang beses hiniritang ng 17-anyos na si Borres ng dalawang stanÂding eight si Cuarto para katampukan ang panalo sa Youth Boys pinweight.
Si Borres ay isa sa hinangaan noong nakaraang National Finals habang nasa Junior Boys.
“Masaya po dahil unang gold ko ito sa division. Maglalaro pa po ako sa National Finals at kung manalo ako ay papasok na ako sa ABAP pool,†ani Borres.
Ang iba pang nanalo sa CDO-A ay sina Carlo Paalam sa Junior Boys pinweight, Marin Tabamo sa Youth flyweight, Markwil Salvania sa Youth lightweight at Shena Mae Jacinto sa Junior Girls light flyweight.
Ang pangalawang koÂponan ng CDO-B ang puÂmangalawa sa dalawang ginto, dalawang pilak at isang bronze habang ang PACMAN ang pumangatlo sa dalawang ginto at tig-isang pilak at bronze meÂdals.
Lahat ng 14 sumaling koponan ay nag-uwi ng medalya para mapatunayan muli na maÂganda ang programa sa boxing sa Mindanao.