^

PSN Palaro

PNP, Judiciary mag-aagawan sa Game 1

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Treston Gym, Taguig City)

3:30 p.m.  Philhealth vs AFP

5p.m. Judiciary vs PNP

 

MANILA, Philippines - Nasa mga balikat ng Philippine National Police ang momentum  para makumpleto ang perpektong kampanya sa 1st Unity Cup sa pagbubukas ng best-of-three championship series sa Treston gym sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Kalaban ng PNP ang Judiciary sa tampok na laro dakong alas-5 ng ha­pon at tiyak na magiging maaksyon ito dahil parehong malakas ang dalawang koponan.

Ang PNP ay hindi pa natatalo sa loob ng anim na laro ngunit ayaw magkum­piyansa ni coach Raffy Gonzales lalo pa’t nagka­roon pa ng two-week break ang liga para mas ma­kapaghanda ang katunggali.

 â€œOne game at a time kami at hindi na mahalaga ang naunang mga laro,” wika ni Gonzales.

May ipinagmamala­king shooter ang PNP sa katauhan ni Olan Omiping.

 Ngunit kailangan nila ng matibay na depensa para hindi manalasa ang 6’6’ center na si Don Ca­maso.

Bago ito ay magtutuos muna ang PhilHealth at Armed Forces of the Phi­lippines at ang mananalo ang kukuha sa pangatlong puwesto.

ARMED FORCES OF THE PHI

BONIFACIO GLOBAL CITY

DON CA

LARO NGAYON

OLAN OMIPING

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAFFY GONZALES

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with