MANILA, Philippines - Nangako si Johnriel Casimero na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mapanatiling suot ang International Boxing FeÂderation (IBF) light flyweight crown.
Nakatakdang idepensa ni Casimero sa ikatlong suÂnod na pagkakataon ang kanyang titulo laban kay MeÂxican challenger Felipe Salguero bukas ng gabi sa Makati Coliseum.
“Magandang laban po ito at gagawin ko ang lahat para manalo ako sa harap ng mga kababayan natin,†sabi kahapon ni Casimero sa panayam sa kanya sa Unang Hirit sa GMA Channel 7.
“Alam kong malakas din ang makakalaban ko, kaya talagang ibubuhos ko na para manalo ako,†dagdag pa ng tubong Ormoc City, Leyte.
Ang unang dalawang title defense ng 23-anyos na si Casimero ay idinaos sa Panama at Mexico.
Nagtala si Casimero ng isang 12-round split decision victory kontra kay Pedro Guevara sa Mexico noong Agosto ng 2012 kasunod ang unanimous decision win laban kay Luis Alberto Rios sa Panama noong Marso 16 nitong taon.
Ibinabandera ng 23-anÂyos na si Casimero ang kanyang 18-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 10 knockouts kumpara sa 18-4-1 (13 KOs) ng 31-anyos na si Salguero.
Si Casimero ang isa sa tatlong Filipino world champion sa kasalukuyan bukod kina light flyweight Donnie Nietes (World Boxing Organization) at minimumweight Merlito Sabillo (World BoÂxing Organization).
Binigo ni Nietes si Salguero via unanimous decision noong Hunyo 2, 2012 sa Resorts World Hotel and Casino sa Pasay City.