^

PSN Palaro

Casimero gagawin ang lahat para ‘di maisuko ang korona

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangako si Johnriel Casimero na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mapanatiling suot ang International Boxing Fe­deration (IBF) light flyweight crown.

Nakatakdang idepensa ni Casimero sa ikatlong su­nod na pagkakataon ang kanyang titulo laban kay Me­xican challenger Felipe Salguero bukas ng gabi sa Makati Coliseum.

“Magandang laban po ito at gagawin ko ang lahat para manalo ako sa harap ng mga kababayan natin,” sabi kahapon ni Casimero sa panayam sa kanya sa Unang Hirit sa GMA Channel 7.

“Alam kong malakas din ang makakalaban ko, kaya talagang ibubuhos ko na para manalo ako,” dagdag pa ng tubong Ormoc City, Leyte.

Ang unang dalawang title defense ng 23-anyos na si Casimero ay idinaos sa Panama at Mexico.

Nagtala si Casimero ng isang 12-round split decision victory kontra kay Pedro Guevara sa Mexico noong Agosto ng 2012 kasunod ang unanimous decision win laban kay Luis Alberto Rios sa Panama noong Marso 16 nitong taon.

Ibinabandera ng 23-an­yos na si Casimero ang kanyang 18-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 10 knockouts kumpara sa 18-4-1 (13 KOs) ng 31-anyos na si Salguero.

Si Casimero ang isa sa tatlong Filipino world champion sa kasalukuyan bukod kina light flyweight Donnie Nietes (World Boxing Organization) at minimumweight Merlito Sabillo (World Bo­xing Organization).

Binigo ni Nietes si Salguero via unanimous decision noong Hunyo 2, 2012 sa Resorts World Hotel and Casino sa Pasay City.

CASIMERO

DONNIE NIETES

FELIPE SALGUERO

INTERNATIONAL BOXING FE

JOHNRIEL CASIMERO

LUIS ALBERTO RIOS

MAKATI COLISEUM

MERLITO SABILLO

ORMOC CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with