^

PSN Palaro

Desperado si Pacquiao

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Hindi maikakailang desperado si Manny Pacquiao.

Galing si  Pacquiao sa dalawang magkasunod na talo. Kauna-unahan sa kanyang professional career (54-5-2, 38 KOs). Kinakailangan ni Manny na manalo, at hindi lamang manalo, kundi impresibo dapat ang kanyang tagumpay laban kay Brandon Rios sa kanilang laban sa Nobyembre 24 sa Macau.

Kung tutuusin, hindi lamang ang madlang people ang kinakailangang kumbinsihin ni Pacquiao na siya ay maaaring maisama pa sa mga elite boxers ng mundo.  Kinakailangang mapa-impress din ni Pacquiao pati na  ang mga advertiser at money handlers sa boxing.

Minalas na ‘di nanalo sa split decision ang 34 anyos na si Pacquiao kay Timothy Bradley noong Hunyo  20­12, pero sa knockout loss kay Juan Manuel Marquez, ta­nging ang sarili ang dapat na sisihin ni Pacquaio.

Nakasalalay ang rematch kay Bradley o ang ika­li­mang pakikipagtuos kay Marquez (kung hindi pa kayo nag­sasawa) sa laban sa Nobyembre kay Rios (31-1-1, 23 KOs).

Inaasahan na natin na halos naka-move on na si Pacquiao sa kanyang mga pagkatalo bago ang fight night sa Nobyembre 23.

 Aminin man at hindi ni Pacquiao, kahit pa ano ang mga naging accomplishment niya sa boksing ang kanyang legacy na tinatawag ay tinamaan ng matindi.  Sa kanyang mga panayam, halata na hindi na ganoon kakumpiyansa si Paccquiao, at maging ang ingay na dati ay dumadagundong sa tuwing sasabak siya sa ring ay humina na rin.

Maging ang lugar na pagdarausan ng laban ay isang bagay na nagsasabing bumagsak na ang ca-reer ni Pacquiao. Ito ang unang laban ni Pacquiao, simula noong 2006, sa labas ng Estados Unidos.  Ibig sabihin, hindi gaanong sigurado ang promoter kung dudumugin ang laban.

Maging ang usapin tungkol sa posibleng laban nila ni Floyd Mayweather ay nawala na rin. At ta­nging ang kampo lamang ni Pacquiao ang nag-iingay tungkol dito. 

Hindi lamang panalo ang kailangan ni Pacquiao, kung hindi isang impresibong panalo na mag-aakyat muli sa kanyang nangungulimlim na career. 

At kung mamalasin muli at matatalo, ibig sabihin lamang ay kinakailangang isabit na ni Pacquiao ang kanyang mga gloves.

BRANDON RIOS

ESTADOS UNIDOS

FLOYD MAYWEATHER

JUAN MANUEL MARQUEZ

KANYANG

NOBYEMBRE

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with