Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
8 p.m. Petron vs San Mig Coffee (Game 7)
MANILA, Philippines - Hindi pa handang isuko ng Boosters ang laban.
Pinuwersa ng Petron Blaze sa ‘winner-take-all’ ang kanilang championship series ng San Mig Coffee matapos kunin ang 99-88 panalo sa Game Six sa 2013 PBA Governors’ Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Bumangon ang BoosÂters mula sa dalawang sunod na kabiguan para itabla sa 3-3 ang kanilang best-of-seven titular showdown ng Mixers.
Nakatakda ang Game Seven bukas ng alas-8 ng gabi sa Big Dome.
“We extended the series to Game Seven, so it’s anybody’s ballgame on Friday,†sabi ni rookie coach Gee Abanilla. “We’ll do the best effort and well come out really prepared on Friday.â€
Binuksan ni 2013 PBA Most Valuable Player at Best Player of the Conference Arwind Santos ang laro mula sa kanyang jumper para sa Petron bago nakabawi ang San Mig Coffee sa 11-6 sa likod ng dalawang three-point shots ni two-time PBA MVP James Yap.
Kinuha ng Boosters ang 11-point lead, 30-19, mula sa basket ni top overall pick June Mar Fajardo sa 11:20 ng second period hanggang ibaon ang Mixers sa 59-43 sa 9:26 ng third quarter.
Sa likod nina Yap, Best Import Marqus Blakely at Joe Devance ay nailapit ng San Mig Coffee ang laro sa 59-61 sa 4:15 ng nasabing yugto.
Ngunit kumayod sina Santos, Fajardo, import Elijah Millsap at Alex CabagÂnot para muling ilayo ang Petron sa 74-61 sa huling 20.3 segundo.
Umiskor naman si PJ Simon ng 11 points sa final canto para ibigay sa Mixers ang 86-85 abante kasunod ang ratsada nina Millsap, Chris Lutz at Marcio Lassiter na nag-angat sa Boosters sa 95-88 sa huling 1:25 ng sagupaan.
Kontrolado ng Petron ang first half kahit ang Mixers ang nagkaroon ng malakas na panimula nang hawakan ang 11-6 kalamangan matapos ang dalawang tres ni Yap.
Nakatulong din sa pagÂlayo ng Petron ang maagang pagkakalagay sa penalty ng San Mig Coffee sa second period para magkaroon ng 14-of-18 free throws conversion sa naturang yugto sa 17-of-21 sa halftime kumpara sa katiting na 5-of-12 ng Mixers.
Petron 99 - Millsap 30, Fajardo 21, Santos 12, CaÂbagÂnot 12, Lutz 11, Lassiter 7, Tubid 6, Kramer 0, Hubalde 0, Ildefonso 0.
San Mig Coffee 88 - BlaÂkely 21, Devance 17, Yap 17, Simon 14, Pingris 13, Reavis 4, Mallari 2, Gaco 0, Barroca 0, De Ocampo 0.
Quarterscores: 28-19, 52-39, 74-63, 99-88.