Quezon City inagaw ang pangunguna 5 ginto kay Daos

IBA, Zambales, Philippines ---Hindi nabigo si Kirsten Chleo Yap Daos sa hangaring magkaroon ng mabungang kampanya sa 2013 Batang Pinoy Luzon elimination para pangunahan ang pag-alagwa ng Quezon City sa medal standings matapos ang tatlong araw na kompetisyon na ginagawa sa Zambales Sports Complex dito.

Si Daos na nanalo ng tig-pitong gintong medalya sa 2012 NCR qualifying sa Marikina City at National Finals sa Iloilo, ay nanalo sa 100-m butterfly at 800-m freestyle kahapon.

Bago ito, si Daos ay nagwagi muna sa 400-m free, 200-m butterfly at 200-m free para maging palaban sa most bemedalled tanker ng palaro taglay ang limang individual gold medals.

Si Joshua Taleon ay nanalo naman ng tatlong ginto at ang Quezon City ay nangunguna na sa medal race bitbit ang 33 ginto, 14 silvers at 21 bronze medals.

Ang dating nasa una­han na Pangasinan ay bu­maba sa ikalawang puwesto sa 20-15-17 medal count.

Sinandalan ng delegasyon ang ga­ling ng mga archers na sina Eilam Santos, Angelica Aldea at William Henderson Ty na tumapos taglay ang tig-dalawang ginto.

Ang tubong Dumague­te City na si Althea Nasha Dionaldo ang siyang may pinakamaraming gintong napanalunan na apat sa larangan ng girls’ cup single fita, 30-m, 50-m at cadet single fita.

Samantala, nangiba­baw naman ang mga talen­tadong wushu artists ng Baguio kasabay ng pamamayagpag ng kanilang panlaban sa taekwondo.

Sina Vanessa Jo Chan at Faith Liana Andaya na nanalo ng ginto at pilak sa Asian Junior Wushu Championship ay nagdomina sa chang quan at basic san lu kasama sina Christian Nicholas Lapitan at Joel Casem.

Ang ikalimang ginto ay kinuha ni Zereena Redge Dumseng sa nan quan.

Sina Christian Mark Dun­tungan, Cramer Juris Quiambao, Kristian Daniel Manitag, Phoebie Kate de Guzman, Kaya Shanelle Romnar, Angelica Joyce Gaw at Trisha Mae Buscagan ang nagbigay ng ginto sa taekwondo.

May panalo pa sa swim­ming na hatid nina Dan Christian Leyba at Jenkins Labao bukod sa arnis na ibinigay ni Norielyn Joy Sagun, ang Baguio ay umangat na sa standings tangan ang 19 ginto, 21 pilak at 18 bronze medals.

 

Show comments