^

PSN Palaro

Pierce nagpasiklab sa panalo ng Brooklyn

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK--Nakita agad ng Brooklyn Nets ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang Paul Pierce nang tambakan ang NBA defending champion Miami Heat, 86-62, noong Huwebes sa Barclays Center.

Binalikat ni Pierce ang umaatake sa isang fast break play sa first period na si  LeBron James para bumulagta ito na nagtatag sa magandang depensa ng koponan.

“It’s a message to the league,” wika ni Pierce sa foul na makikita lamang sa postseason ng liga.

Si Pierce at si Kevin Garnett ay kinuha ng Nets mula sa Boston Celtics upang bigyan ng angas ang koponan at maging isang playoff contender uli.

Si Brook Lopez ay may 14 puntos para sa Nets na binigyan muna ng pagkilala ang mahusay na guard na si Jason Kidd matapos iretiro ang kanyang No. 5 sa sere­monya bago ang jumpball.

Si Kidd ang starting guard ng koponan na kilala pa bilang New Jersey Nets at pumasok sa Finals noong 2002 at 2003 seasons.

Si James ay tumapos pa rin taglay ang 16 puntos tulad ni Chris Bosh para sa Heat na hindi nagamit ang iba pang mahuhusay na players na sina Dwyane Wade, Rey Allen at Chris Andersen sa laban.

Naipasok naman ni Aron Bayne sang isang floater sa huling tatlong segundo para buhatin ang dumayong San Antonio Spurs sa 106-104 panalo sa Atlanta Hawks.

Si Patty Mills ang nagbigay ng assists kay Bayne habang ang Hawks ay hindi nagkaroon ng magandang tira kasabay ng tunog ng final buzzer.

ARON BAYNE

ATLANTA HAWKS

BARCLAYS CENTER

BOSTON CELTICS

BROOKLYN NETS

CHRIS ANDERSEN

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

JASON KIDD

KEVIN GARNETT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with