Sa Pinoy Pride XXIII Pinoy pugs mapapalaban sa Latinos
MANILA, Philippines - Gagawa pa ng marka ang Pinoy Pride matapos iporma ang double-championship fights sa Nobyembre 30 sa Araneta Coliseum.
Pormal na inihayag ni ALA Promotions Vice President Dennis Canete ang gaganaping Pinoy Pride XXIII na makikilala rin bilang ‘Filipinos kontra Latinosâ€.
Tampok na bakbakan ay ang mga WBO title defense nina Donnie Nietes at Merlito Sabillo habang ang mga tinitingalang pro boxers ng ALA na sina Jason Pagara, Milan Melindo at AJ Banal ay mapapalaban din.
“This is the biggest event of all the Pinoy Pride. This gigantic boxing milestone puts not only one but also two- world championship belts on the line in one electrifying evening,†wika ni Canete nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Itataya ni Nietes ang WBO light flyweight champion at si Gabriel Mendoza ng Colombia ang siyang kinakausap ng ALA habang itataya ni Sabillo sa ikalawang pagkakataon ang WBO minimumweight title laban sa walang talong Carlos Buitrigo ng Nicaragua.
Hindi pa naman alam kung sino ang makakatapat nina Pagara, Melindo at Banal pero mga Latinos din ang kanilang makakasukatan.
Ang magarbong pa-boxing event na ito ay may ayuda rin ng ABS-CBN.
- Latest