^

PSN Palaro

Sa mga atletang isasabak sa Myanmar SEAG tracksters nangunguna sa hahakot ng ginto

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa 12 sports aasa ang Pilipinas para makuha ang 25 gintong medalya na unang sinabi ni PSC chairman Ricardo Garcia na mapapanalunan ng Pam­bansang atleta sa Myanmar SEA Games.

Ang athletics ang nakikitaan na siyang maghahatid ng pinakamaraming medalya sa mga NSAs na lima sa katauhan  nina Fil-Am hurdles specialist Eric Cray, Christopher Ulboc o Rene Herrera sa steeplechase, Arniel Ferrera sa hammer throw, Edgardo Alejan o Archand Bagsit sa 400-m run at ang 4x400 meter relay.

Ang wushu ang may ikalawang may pinakamaraming sure gold sa listahan na apat sa katauhan nina Jessie Aligaga, Dembert Arcita o Benjie Rivera, Francis Solis at Daniel Parantac habang ang boxing ay may tatlo sa katauhan nina Olympian Mark Barriga, Charly Sua­rez at Josie Gabuco.

May tig-dalawa ang billiards, muay, taekwondo at wrestling at sina Dennis Orcollo at Iris Ranola ang panlaban sa pool, ang muay ay ibabandera nina Jonathan Polosan at Pre­ciosa Ocaya; ang taekwondo ay sasandal kina Kirstie Alora at Pauline Louise Lopez at sina Margarito Angana at Jason Balabal ang sa wrestling.

Ang men’s basketball ay tiyak na sa ginto habang sina Grandmaster Wesley So ng chess, si Earl Yap ang sa archery ang LBC Team sa cycling at si Olympian lady lifter Hidilyn Diaz ang panlaban sa weightlifting.

Sa talaang ito ng mga sure gold medalists, sina Ferrera, Orcollo, Ranola, Gabuco, Suarez, So, Alora, Balabal, Angana at ang men’s basketball ang mga defending champions sa kanilang mga events.

May 208 ang atletang ilalaban ng Pilipinas na sasali sa 25 sports events sa Myanmar at ipinalalagay pa na mayroong 20 iba pa ang puwedeng manalo rin ng ginto lalo na kung kakapitan ng breaks sa laban.

Sa naunang panayam kay Garcia, sinabi niya na 25 ang sure gold base sa ipinakita ng mga ito sa nilahukang kompetisyon at mga pagsasanay sa ibang bansa habang ang minimum gold medals na  nakikita niya ay nasa 35 habang 40 ang maximum.

Kung mangyari nga at maabot ang sagad sa medal projection, mahihi­gitan ng Pambansang de­le­gasyon ang 36 ginto na nakuha ng bansa noong 2011 sa Indonesia.

ARCHAND BAGSIT

ARNIEL FERRERA

BENJIE RIVERA

CHARLY SUA

CHRISTOPHER ULBOC

DANIEL PARANTAC

DEMBERT ARCITA

DENNIS ORCOLLO

EARL YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with