Sa rankings ng Sports Illustrated Pacquiao umangat sa No. 3, Marquez laglag sa No. 6
MANILA, Philippines - Dahil sa kabiguan ni MeÂÂxican Juan Manuel Marquez kay world welterweight champion Timothy Bradley, Jr. noong Linggo ay tumaas ang ranggo ni Manny Pacquiao sa listaÂhan ng Sports Illustrated.
Mula sa pagiging No. 4 ay umakyat si Pacquiao sa No. 3 na dating kinalalagÂyan ni Marquez hinggil sa pinakabagong listahan ng Sports Illustrated.
Posible pang umakyat sa No. 2 si Pacquiao kung mananalo kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa kaÂniÂlang banggaan sa NobÂyemÂbre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
Ang 40-anyos na si Marquez ay nalaglag naman sa No. 6 matapos talunin ng 30-anyos na si Bradley via split decision para patuloy na isuot ng American ang kanyang World Boxing Organization welterweight crown.
Ang nasabing titulo ay inagaw ni Bradley kay Pacquiao mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9, 2012.
Sa kanyang mga panalo kina Pacquiao at Marquez ay tumaas si Bradley sa No. 9 mula sa pagiging No. 11.
Sinabi ni Bradley ay dapat ay nasa Top Three siya sa listahan ng Sports Illustrated sa ilalim nina Floyd Mayweather, Jr. at Andre Ward.
“I have to be considered top three in the world now,†wika ni Bradley.
“There is Floyd Mayweather, there is Andre Ward and there is Tim Bradley,†dagdag pa niya.
Ayon naman kay Chris Mannix ng Sports IllustraÂted, kumbinsido siyang tinalo ni Bradley si Marquez.
“If Manny Pacquiao is an ideal opponent for Marquez, Bradley is one of the worst. The counterpunching Marquez struggles against fighters with a similar style and against Bradley, Marquez had to be the aggressor more often than he likely would have liked,†ani Mannix.
- Latest