^

PSN Palaro

Smart-Maynilad, Army spikers mag-aagawan sa huling finals slot

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. Army vs Smart-Maynilad

 

MANILA, Philippines - Paglalabanan ngayon ng Army at Smart-Maynilad ang ikalawa at huling puwesto sa championship round sa pagtatapos ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference Final Four sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-4 ng hapon at asahan na magiging dikdikan ang bawat puntos na paglalabanan  dahil ang matatalo ay mamamaalam na sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Nasa 2011 champion Lady Troopers ang momentum matapos kunin ang 25-21, 18-25, 12-25, 25-23, 15-10 panalo sa Game Two noong Biyer­nes sa larong nakitaan ng pagbangon ng koponan ni coach Rico de Guzman mula sa 16-23 iskor sa fourth set.

“Nasa amin ang mo­men­tum. Pero hindi ito ga­rantiya na kami na ang mananalo dahil kailangan ilabas ng mga players ang kanilang determinasyon at puso sa ganitong do-or-die game,” wika ni De Guzman.

Bagamat natalo, mataas din ang kumpiyansa ni Net Spikers mentor Roger Gorayeb na maitatakas ang panalo para huwag masayang ang tagumpay na nakuha sa Game  One sa best-of-three series.

Nasa Army ang karanasan dahil ang kanilang manlalaro na sina Mary Jean Balse, Michelle Carolino, Nerissa Bautista at Rachel Anne Daquis ay beterano na ng liga. Nasa koponan din ang masipag na si Jovelyn Gonzaga habang solido rin ang kanilang bench tulad ni Dahlia Cruz na   siyang nagbigay-buhay sa opensa sa huling dalawang sets na kung saan siya ginamit.

Naghihintay na sa best-of-three Finals sa ligang may ayuda ng Accel at Mikasa ang Cagayan Province matapos ang 2-0 sweep sa Philippine Air Force.  

 

CAGAYAN PROVINCE

DAHLIA CRUZ

DE GUZMAN

GAME TWO

JOVELYN GONZAGA

LADY TROOPERS

LARO NGAYON

MARY JEAN BALSE

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with