‘Twice-to-beat’ bonus target ng Red Lions kontra Cardinals
MANILA, Philippines - Ang unang ‘twice-to-beat ‘advantage ang maÂpaÂpasakamay ng nagdeÂdepensang San Beda College sa pagharap sa kulelat na Mapua sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
May 13-2 baraha ang Red Lions sa kasalukuyan at ang isa pang panalo ang maglalagay na sa koponan alinman sa una o ikalawang puwesto sa pagtatapos ng elimination round.
Ang Perpetual Help na pasok na sa Final Four sa 11-5 baraha ay maaari na laÂmang maÂkapaglista ng hanggang 13 panalo kung mawawalis ang nalalabing dalawang asignatura.
Sa ganap na alas-4 ng hapon itinakda ang tagisan at inaasahang walang maÂgiging problema ang San Beda ni coach Boyet Fernandez dahil dinurog nila ang Mapua sa unang pagkikita, 78-53.
Hindi pa rin natatalo ang Red Lions sa anim na laro sa second round at masaÂsabing disgrasya na lamang kung makakalusot ang Cardinals na may 13 sunod na kabiguÂan.
Magsisikap naman ang San Sebastian na lumayo sa mga naghahabol sa pakikipagtuos sa Jose Rizal University sa tampok na laro sa alas-6 ng gabi.
May 8-6 baraha ang Stags ngunit nakadikit ang Emilio Aguinaldo College Generals sa 8-8 baraha.
Palaban din sa mahaÂlagang puwesto ang HeaÂvy Bombers na may 6-8 karta.
Matapos ang Jose RiÂzal ay sunod na makakalaban ng San Sebastian ang mabibigat na koponang Letran at Perpetual Help.
Nakita ng Baste na nagwakas ang apat na sunod na panalo nang padapain sila ng San Beda, 68-72, kaya’t kailangang magpursigi ang mga kamador ng koÂponan para makabaÂngon agad sa kabiguan.
Mataas ang morale ng tropa ni coach Vergel MeÂneÂses dahil tinapos nila ang anim na sunod na pagkatalo mula sa 73-56 panalo sa Cardinals.
- Latest