^

PSN Palaro

Sea Lions nakauna sa UCAA finals

Pilipino Star Ngayon

 DASMARIÑAS, Philippines--Umiskor si Franklin Mancio ng 26 points, habang nagdag­dag ng 15 si Eldridge Corpus para igiya ang nagde­depensang Olivarez Sea Lions sa 81-73 paggiba sa La Salle-Dasmariñas Pa­triots sa Game 2 para walisin ang kanilang best-of-three semifinals series sa 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball tournament sa Ugnayang La Salle gymnasium.

Sina Corpus, Marvie Bustos at Mark Guillen ang siyang sinandigan ng Sea Lions sa fourth quarter para talunin ang Patriots.

Sa kanilang 2-0 sweep sa Patriots ay kinuha ng Sea Lions ang unang finals slot.

Nauna nang tinalo ng Sea Lions ang Patriots, 88-60, sa Game 1 sa Olivarez College gymnasium sa Sucat, Parañaque.

Samantala, binigla ng Rizal Technological University Blue Thunder ang Phi­lippine School of Business Administration Jaguars, 88-67, para buhayin ang kanilang tsansa sa ikalawang finals seat.

Gumawa si Rennel Mon­tecillo ng 28 points, tampok dito ang walong triples, para itabla ang Blue Thunder sa Jaguars, 1-1, sa kanilang series.

BLUE THUNDER

ELDRIDGE CORPUS

FRANKLIN MANCIO

LA SALLE-DASMARI

MARK GUILLEN

MARVIE BUSTOS

OLIVAREZ COLLEGE

SEA LIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
21 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with