Meralco ‘di patatalo sa Air Force
MANILA, Philippines - Mahalagang panalo na magpapanatiling buhay sa hangaring maalpasan ang quarterfinals ang nakataya sa Air Force at Meralco sa pagtutuos sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Sa 5-5 baraha, ang Air Women ay makakapasok na sa semifinals kung talunin ang Power Spikers sa larong magsisimula dakong alas-4 ng hapon.
Hindi naman papayag ang Meralco na mangyari ito dahil sa 3-6 baraha ay may tsansa pa sila sa Final Four pero dapat na manalo sila sa tagisang ito sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Talunan ang Air Force sa naunang tatlong laro sa yugtong ito habang ang Meralco ay hindi pa rin nakakatikim ng panalo matapos ang dalawang laro.
Si Judy Ann Caballejo, ang number two scorer sa ligang may suporta pa ng Accel at Mikasa, sa 150 hits mula sa 127 kills, 12 blocks at 11 aces at galing sa 29-hit performance nang natalo sa Army sa huling laban, ang mangunguna sa Air Force.
Makakatuwang niya sina Joy Cases, Maika Ortiz at Wendy Semana para kumpletuhin na ang mga koponang maglalaro sa Final Four
Si Coco Wang, na nasa ikatlo sa scoring sa 149 hits mula sa 127 kils, 15 blocks at 7 aces ang magdadala sa Meralco.
Pero dapat na makaÂkuha siya ng magandang suporta sa ibang kakampi upang makuha ang mahalagang panalo.
Ika-11 sunod na panalo naman ang sisikaping kunin ng Cagayan ProÂvince sa nangungulelat na Philippine National Police sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.
Galing sa dalawang sunod na five-sets win sa Meralco at Smart-Maynilad, pinapaboran ang Lady Rising Suns na manaig pa sa Lady Patrolers na magsisikap na iusad ang hawak na 2-7 baraha.
- Latest