La Salle, Ateneo dinomina ang UAAP judo

MANILA, Philippines - Napanatili ng Ateneo ang kampeonato sa men’s judo habang nakatikim din ng titulo ang La Salle lady judokas sa 76th UAAP judo tournament na nagtapos noong Linggo sa Blue Eagle Gym.

May 47 puntos ang Blue  Eagles na pinamunuan nina Matt Jao at Anjo Gumila na kampeon sa +100 kgs at -90 kgs. Si Jao pa ang hinirang bilang MVP ng dibisyon.

Nanalo pa ng tatlong pilak at anim na bronze medals, ang Ateneo na huling nagkampeon tatlong season ang nakalipas, ay nanalo sa UP na mayroon lamang 35 puntos habang ang La Salle ang puma­ngatlo sa 32 puntos.

May tatlong ginto, da­la­wang pilak at isang bronze medal ang Lady Archers para makakuha ng kabuuang 42 puntos at hiranging kampeon sa kababaihan.

Si Nikki  More ang na­na­lo bilang MVP sa nasabing dibisyon.

Magkatabla ang Ateneo at UE sa 29 puntos pero ang Lady Eagles ang may mas magandang quotient para kunin ang ikalawang puwesto.

Show comments