MAASIN CITY, Leyte, Philippines -- Tuluyan nang inangkin ng Cebu City ang overall championship nang kumolekta ng kabuuang 71 gold, 52 silver at 25 bronze medals sa pagtatapos ng Philippine Sports. Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg.
Dinomina ng Cebu City, naglahok ng 168 atleta, ang halos 20 sports kasama dito ang swimming, karaÂtedo at athletics.
Ang Queen City of the South ang inaasahang magiging paborito para sa National Finals sa NobÂyembre sa Bacolod City. Sa swimming ay kumuha ang Cebu City ng kabuuang 26 golds, 17 silvers at 5 bronzes kasama dito ang anim ng 14-anyos na si Karen Mae Indaya.
Pumangalawa naman ang Bohol Province na may 23 gold, 15 silver at 11 bronze medals.
Ang 21 ginto ng Bohol Province ay kanilang sinikwat sa swimming.
Pumitas naman ng ginto ang Iloilo City sa arnis, pencak at karatedo para sa kanilang 18 golds, 4 silvers at 7 bronzes.