Lucky 9 sa Cagayan
MANILA, Philippines - Nalusutan ng Cagayan Province ang pinakamatinding hamon na naranasan sa Shakey’s V-League Season 10 Open ConfeÂrence nang itakas ang 25-14, 16-25, 25-22, 23-25, 15-13 panalo sa Meralco kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Si Aiza Maizo ay tumapos taglay ang 16 hits at ang huling kill ang siyang kumumpleto sa pagbaÂngon ng Lady Rising Suns mula sa limang puntos pagkakalubog sa deciding set.
Bumawi si Thai spiker Kannika Thipachot sa liÂmitadong paglalaro sa huling asignatura ng CagaÂyan sa kinamadang 28 hits, tampok ang 25 kills, habang ibinuhos ni Angeli Tabaquero ang lahat ng 21 marka sa atake para bigyan ang koponan ng 72-54 bentahe laban sa Power Spikers.
Ito ang ikasiyam na sunod na panalo ng Lady Rising Suns para tumibay ang paghahabol sa number one spot sa ligang inorÂganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Isa lamang sa 21 puntos ni Wang ang ginawa sa kills pero siya rin ang nagtanggal sa momentum ng Meralco sa isang service error sa puntong tabla sa 13-all ang iskor.
Tumapos naman taglay ang 27 puntos, kasama ang 21 kills, si Alyssa Valdez kahit nahuli ng dating sa laro para kunin ng Smart-Maynilad ang 17-25, 25-17, 25-20, 25-22, panalo sa Philippine National Police sa unang laro.
Si Valdez na mayroon ding apat na aces at 2 blocks, at si Grethcel Soltones ay nahuli dahil sa iskedul ng kanilang klase.
“Masuwerte na rin at tama lang ang pagdating nila para makuha ang panalo,†wika ni Net Spikers coach Roger Gorayeb.
Si Lithawat Kesinee ay mayroong 17 kills tungo sa 19 hits at ang Smart ay umangat sa 6-3 baraha para manatiling nasa ikatlong puwesto sa ligang may suporta pa ng Accel at Mikasa.
Bumaba ang PNP sa ikapitong pagkatalo sa siyam na laro at nasayang ang 16 kills ni Janine Marciano.
- Latest