^

PSN Palaro

Unang gold ng Cebu mula kay Santos

Pilipino Star Ngayon

MAASIN CITY, Leyte, Philippines -- Inangkin ni Ivan Miguel Santos ng Cebu City ang unang gold medal matapos pagharian ang boys 5,000-meter kahapon sa Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg sa Southern Leyte Sports Complex.

Dinomina ng 14-anyos na si Santos, ang ama na si Lt. Col. Michael Santos ay nakabase sa Cotabato City, ang labanan mula umpisa hanggang matapos bagama’t may ubo at sipon.

Nagtala ang 5-foot-9 na high school junior sa University of San Carlos ng bilis na 18 minuto at 31 segundo.

Nakatakda pang lumahok si Santos sa 1,500m at 800m events.

Inangkin naman ni Shan­tel Tanucan ang gold medal sa girl’s long jump mula sa lundag na 4.56 meters sa kanyang ikaapat na pagtatangka.

Lalahok din ang Visa­yas leg gold winner sa high jump na si Tanucan sa triple jump at high jump competitions.

Si Sandra Anne Marie Empino ang kumuha sa gintong medalya sa girls 2000m walk mula sa bilis niyang 15:06.05.

CEBU CITY

COTABATO CITY

INANGKIN

IVAN MIGUEL SANTOS

MICHAEL SANTOS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION-PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE BATANG PINOY VISAYAS

SI SANDRA ANNE MARIE EMPINO

SOUTHERN LEYTE SPORTS COMPLEX

TANUCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with