18 ginto nakataya ngayon sa Batang Pinoy
MAASIN CITY, Leyte, Philippines -- Kabuuang 18 gold medals sa track and field bukod pa sa 14 sports events ang nakataya sa pagbubukas ng Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg.
Ang track and field ay idaraos sa Southern Leyte Sports Complex, habang ang siyam na nakataya sa swimming ay gagawin sa Leyte Sports Academy sa Tacloban sa Day 1 ng competitions.
Idineklara ni Mayor Maloney Samaco na isang linggong walang klase para sa event kung saan maglalahok ang host province ng 213 atleta, ang 27 dito ay sa athleÂtics, ang 20 ay sa dancesports at ang 14 ay sa swimming.
Ang Cebu ay may kabuuang 168 atletang isinali sa event para sa 15-anyos pababang mga atleta.
- Latest