MANILA, Philippines - Sa kabila ng dalaÂwang beses na kabiguan ni Manny Pacquiao noong nakaraang taon ay siya pa rin ang gusto ng mga boÂxing fans na makalaban ni Floyd Mayweather, Jr. sa susunod na taon.
Mula sa inisyal na 40,000 boto na isinagawa ng Sports Nation ng ESPN, halos 58 porsiyento nito ay nais mapanood ang Pacquiao-Mayweather super fight sa 2014.
Matatandaang tatlong beses bumagsak ang negosasyon para sa laban ng 34-anyos na si Pacquiao at ng 36-anyos na si Mayweather dahil sa isyu sa hatian sa prize money, pagsailalim sa isang Oympic-style random drug at blood testing.
Dalawang beses naÂbigo si Pacquiao noong 2012 kina Timothy Bradley, Jr. (split decision) at Juan Manuel Marquez (sixth-round KO).
Dahil dito, sinabi ni Mayweather (45-0-0, 26 KOs) na wala nang halaga kung lalabanan pa niya ang laos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs).
Noong nakaraang lingÂgo ay nagtala si Mayweather ng record na $41.5 milyong premyo matapos dominahin ang 23-anyos na si Canelo Alvarez via unanimous decision.
Kumpara sa premyo ni Mayweather, hindi hamak na mas maliit ang tatanggaping prize money ng Filipino world eight-division champion na si Pacquiao sa kanyang pagsagupa kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China. Ayon kay Bob Arum ng Top Rank promotions, maÂkakakuha lamang si Pacquiao ng guaranteed purse na $18 milyon, habang $4 milyon naman ang matatanggap ng 27-anyos na si Rios.
Sinabi ni Mayweather na plano pa niyang lumaban ng dalawang beses sa susunod na taon, ngunit wala sa kanyang listahan si Pacquiao.