CEBU, Philippines - Sa kanilang muling pagÂhaÂhaÂrap sa ikalawang pagkakataon matapos ang limang taon, inaasahan ni dating unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr na magiging mabangis si Vic Darchinyan ng Armenia.
Ito ang inihayag kahapon ni Donaire sa press conference nila ni Darchinyan sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas para sa kanilang rematch sa Nobyembre 9 sa nasabi ring venue.
“Just this fight alone, there’s already a lot of tension, as you know. ‘I will make him, I’ll break him?, sabi ni Donaire.
Pinatumba ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para agawin sa huli ang mga hawak nitong International Boxing FeÂderation at International Boxing Organization flyweight titles noong Hulyo ng 2007.
Matapos ito ay sunud-sunod na panalo ang itinala ng tubong Talibon, Bohol na si Donaire.
“I’ve taken everything away from him. Everything that he has worked for all of his life,†ani Donaire (31-2-0, 20 KOs) kay Darchinyan (39-5-1, 28 KOs).
Nagkasundo sina Donaire at Darchinyan na magsagupa sa isang 10-round, non-title featherweight fight.
Ito ang unang pagkakataon na lalaban ang 30-anyos na si Donaire sa featherweight division makaraang magkampeon sa flyweight, bantamweight at super bantamweight classes.
Noong 2012 ay magkakasunod na tinalo ni Donaire sina Wilfredo, Vasquez, Jr., Jeffrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce para hirangin bilang 2012 Boxer of the Year.
Isang unanimous decision loss kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba ang nalasap ni Donaire sa kanilang unification super bantamweight fight noong Abril 13 sa New York City.
Sinabi ng 37-anyos na si Darchinyan na ipapatikim niya kay Donaire ang ikalawang suÂnod na kabiguan nito ngaÂyong taon.