Gabica sasagupa kay Hohmann sa finals
MANILA, Philippines - Sina Antonio Gabica ng Pilipinas at German Thors-ten Hohmann ang magtutuos sa titulo ng 2013 World 9-Ball Championship na ginagawa sa Al Arabi Sports Club sa Doha Qatar.
Sinandalan ni Gabica ang pitong sunod na racks na ipinanalo upang ang 4-6 iskor ay naging 11-6 panalo laban kay Karl Boyes ng United Kingdom at mapasaya hindi lamang ang mga Filipino overseas workers na nanood ng laban kundi pati ang mga Qatari dahil siya ay assistant coach ngayon ng Qatar national pool team.
Hindi naman nagpahuli si Hohmann na ipinanalo rin ang huling anim na racks na pinaglabanan nila ni Pinoy player Carlo Biado para katampukan ang 11-4 tagumpay.
Ang finals ay isang race-to-13, alternate break na pinaglabanan din kagabi at magbabaka-sakali si HohÂmann na makuha ang kampeonato na natikman niya noong 2003 habang unang titulo ang target ni Gabica.
Umabot ang 2006 Doha Asian Games gold medalist na si Gabica sa semifinals nang talunin si Nick Van den Berg ng Netherlands sa quarterfinals sa 11-10 iskor.
Ang iba pa niyang tinalo ay sina Chang Jung Ling ng Chinese Taipei (11-6), Oliver Ortmann ng Germany (11-8) at Ko Pin Yi ng Taipei (11-9),
Si Biado ang ikatlong sunod na Filipino player na nakalaban ni Hohmann kasunod nina Dennis Orcollo at Jeff de Luna sa 11-8 at 11-7 iskor sa round-of-16 at quarterfinals.
Bago ito ay namayani muna si Hohmann kina Kuribayashi Tohru ng Japan (11-10) at sa nagdedepensang kampeon na si Darren Appleton ng Britain (11-5).
Hindi man pinalad, sina Biado at Boyes ay may bibitbiting tig-$10,000.00 premyo.
Ang hihiranging kampeon ay mag-uuwi ng $36,000.00 habang $18,000.00 ang mapapaÂsakamay ng papangalawa sa labanan.
Umabot sa 12 Pinoy ang nakapasok sa 64-man na kompetisyon pero sina Efren “Bata†Reyes, Villamor, Mark Antony, Raymund Faraon ay natalo sa first round, si Israel Rota, Ramil Gallego at Marlon Manalo ay namahinga sa second round.
- Latest