Venus sinibak ng Chinese netter
NEW YORK--Walang panapat si Venus Williams sa matibay na paglalaro ng 56th ranked na si Zheng Jie ng China para lasapin ang 6-3, 2-6, 7-6(5) pagkatalo sa US Open noong Miyerkules sa Flushing Meadows.
Ito ang ikatlong sunod na taon na napatalsik ang ngayon ay 33-anyos na si Williams sa kompetisyon sa second round.
“If I didn’t think I had anything in the tank, I wouldn’t be here,†wika ni Williams, ang number one player noong 2002 pero nasa 60th ranked ngayon.
Ang laro ay umabot sa tatlong oras at dalawang minuto para pantayan ang ikalimang pinakamahabang laro sa US Open mula 1970. Ang ikatlong set ay pahirapan dahil umabot ito ng isang oras at kalahati.
Sa pagkakatanggal sa kompetisyon, marami ang nagtatanong kung maibabalik pa ba ni Williams ang dating kinang ng paglalaro o handa na siyang magretiro.
Malinaw naman ang kanyang tugon na wala pa sa kanyang isipan ang tuluyang mamahinga sa sport. Pero hindi rin niya ipinapasok ang US Open na gagawin sa susunod na taon.
“I definitely want to come back for the atmosphere. I mean, next year’s Open is so far away right now,†ani ni Williams na may 44 unforced errors sa laro.
- Latest