Patrimonio, Orteza sa quarters

MANILA, Philippines - Pumasok na sa quarterfinals ng Olivarez Cup Open Tennis Championship sina Katrina Orteza at Christine Patrimonio nang manalo sa magkahiwalay na laro noong Martes.

Sinibak ng 17-anyos na mag-aaral ng La Salle na si Orteza si Hannah Espinosa, 6-0, 6-2, habang si Patrimonio na manla­laro ng National University ay nangibabaw kay Jash Canja, 6-4, 5-7, 6-4.

Sunod nilang haharapin sina fourth seed Alyssa Labay at second seed Edilyn Balanga sa semifinals sa ligang handog ng Palawan Pawnshop at isinasagawa bilang pagkilala sa Philta president at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Nanalo si Labay kay Jenelyn Magpayo, 6-2, 6-1, habang si Balanga ay nanaig kay Joanna Tan, 6-1, 6-1.

Ang top seed na si Clarice Patrimonio ay umukit ng 6-2, 6-0, panalo kay Ma. Angela Sunga para ikasa ang laro laban sa sixth seed na si Maika Tanpoco, nanalo kay Akiko De Guzman, 6-1, 6-0.

Nagpatuloy din ang magandang inilalaro ni Maia Balce nang kalusin si Junnelyn Polito, 6-2, 6-2, na nangyari matapos pagpahingahin ang third seed Aileen Rogan sa first round.

Show comments