MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa paglulunsad ng PNoy Sports sa Aug. 30 sa Quezon City Memorial Circle, isang kampanya upang buhayin ang ethnic sports sa Pilipinas at ibalik ang mga tradisyunal na laÂrong Pinoy para sa bonding, kompetisyon, sportsmanship at pagkakaibigan.
Ang sports event na hatÂid ng Philippine ChaÂrity Sweepstakes Office (PCSO) ay mabilis na tuÂgon sa panawagan ni Pangulong Noynoy Aquino na paunlarin ang mga progÂramang pangkalusugan at pagpapabuti ng sarili (health and wellness programs) ng bansa.
Plinano agad nina PCÂSO Chairman Margie Juico at PCSO GM Ferdinand Rojas ang proyekto at naÂkiÂpagtulungan sa Yellow Ribbon Movement (YRM) upang isaayos ito.
Dadalo sa paglulunsad sa Quezon City Memorial Circle sina Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, Councilor MaÂyen Juico, PCSO Chairman Juico, PCSO GM Rojas, at YRM President Lyn Aguirre.
Ang panauhing pandaÂngal ay si dating Senador Nikki Coseteng at Andy Lugtu, President of Manila Natures Link, mga residente ng QC at aktibong taga-suporta ng sports sa bansa.
Tinatayang 400 kabaÂtaan edad 7 hanggang 12, mga tunay na residente ng QC, ang maglalaro sa limang kategorya--palosebo, patintero, luksong tinik, sipa at dama sa pakikipagtulungan din ng Malungai LifeOil.
“Ang mga bata sa aming mga barangay ay sabik na sabik sa programang ito. Sa palagay ko ay ito na ang panahon ng makabagong yugto ng larong kalye dahil marami sa kanila ang hindi makabili ng mamahalin at high-tech gadgets,†ani QC Councilor Mayen Juico.
Ang susunod na pupuntahan ng PNoy Sports ay Maynila pagkatapos ay Makati City.