^

PSN Palaro

PNOY sports handa na

RMP - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa paglulunsad ng PNoy Sports sa Aug. 30 sa Quezon City Memorial Circle, isang kampanya upang buhayin ang ethnic sports sa Pilipinas at ibalik ang mga tradisyunal na la­rong Pinoy para sa bonding, kompetisyon, sportsmanship at pagkakaibigan.

Ang sports event na hat­id ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) ay mabilis na tu­gon sa panawagan ni Pangulong Noynoy  Aquino na paunlarin ang mga prog­ramang pangkalusugan at pagpapabuti ng sarili (health and wellness programs) ng bansa.

Plinano agad nina PC­SO Chairman Margie Juico at PCSO GM Ferdinand Rojas ang proyekto at na­ki­pagtulungan sa Yellow Ribbon Movement (YRM) upang isaayos ito.

Dadalo sa paglulunsad sa Quezon City Memorial Circle sina Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, Councilor Ma­yen Juico, PCSO  Chairman Juico, PCSO GM Rojas, at YRM President Lyn Aguirre.

Ang panauhing panda­ngal ay si dating Senador Nikki Coseteng at Andy Lugtu, President of Manila Natures Link, mga residente ng QC at aktibong taga-suporta ng sports sa bansa.

Tinatayang 400 kaba­taan edad 7 hanggang 12, mga tunay na residente ng QC, ang maglalaro sa limang kategorya--palosebo, patintero, luksong tinik, sipa at dama sa pakikipagtulungan din ng Malungai LifeOil.

“Ang mga bata sa aming mga barangay ay sabik na sabik sa programang ito. Sa palagay ko ay ito na ang panahon ng makabagong yugto ng larong kalye dahil marami sa kanila ang hindi makabili ng mamahalin at high-tech gadgets,” ani QC Councilor Mayen Juico.

Ang susunod na pupuntahan ng PNoy Sports ay Maynila pagkatapos ay Makati City.

ANDY LUGTU

CHAIRMAN JUICO

CHAIRMAN MARGIE JUICO

COUNCILOR MA

COUNCILOR MAYEN JUICO

FERDINAND ROJAS

MAKATI CITY

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with