FEU natakasan ang UE sa 2OT

MANILA, Philippines - Kinailangan ng Far Eas­tern University ng dalawang overtime para mapasuko ang palabang University of the East, 98-94, sa 76th UAAP men’s basketball tour­nament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Isinantabi ni Terrence Ro­meo ang sprained ankle nang maghatid siya ng 30 points, 7 rebounds, 4 assists at 3 steals.

Gumawa siya ng tres pa­ra bigyan ang Tamaraws ng 95-91 kalamangan bago si Anthony Hargrove ang nag­preserba sa panalo sa ki­namadang tatlong puntos.

Nagbida si­na Gryann Men­doza at Mi­ke Tolomia ang kanyang produksyon sa ginawang 15 at 13 puntos.

Kontrolado ng tropa ni coach Nash Racela ang la­ro at hawak ang 65-48 kalamangan sa huling walong minuto sa regulation nang na­saktan si Romeo matapos ang banggaan nila ni Charles Mammie.

Inilabas siya at ito ang break na kinailangan ng Red Warriors at si Roi Su­mang ay gumawa ng 12 puntos sa yugto para ma­g­­tabla sa 70-all.

Lumamang pa ang UE sa unang overtime, 85-82, sa split ni Sumang pero nakakawala ng tres si Tolomia para sa panibagong limang minutong tunggalian.

Tinalo naman ng Ateneo ang Adamson, 79-66, sa unang laro. (ATan)

ADMU 79 - Ravena 18, Bue­nafe 18, Newsome 9, Elorde 9, Tiongson 7, Pessumal 6, Golla 6, Erram 2, Enriquez 2, Capacio 2, Tolentino 0, Lim 0.

AdU 66 - Sewa 17, Rios 14, Cruz 14, Brondial 14, Cabrera 3, Inigo 2, Agustin 2, Trollano 0, Petilos 0, Monteclaro 0, Julkipli 0, Abrigo 0.

Quarterscores: 19-13; 33-26; 57-32; 79-66.

FEU 98 - Romeo 30, Men­doza 15, Tolomia 13, Hargrove 12, Cruz 9, Iñigo 6, Belo 6, Pogoy 5, Sentcheu 2, Lee Yu o, Delfinado 0, Aguilon 0.

UE 94 - Sumang 25, Oli­vares 21, Mammie 17, Noble 11, Santos 6, Ju­mao-as 5, Casajeros 4, Galanza 3, Javier 2, Ola­yon 0, Sumido 0, Hernandez 0, Guion 0, Flores 0, Alverto 0.

Quarterscores: 25-13, 42-31; 59-46; 70-70; 85-85, 98-94 (2OT).

 

 

 

 

 

 

 

Show comments