Para sa huli nilang laro sa first round: Arellano tinakasan ang JRUupang wakasan ang 4-game slide

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. Lyceum vs San Sebastian

6 p.m. St. Benilde vs Perpetual Help

 

MANILA, Philippines - Nagwakas na ang four-game losing slump ng Chiefs.

Ito ay matapos talunin ng Arellano University ang Jo­se Rizal University sa bi­sa ng 67-64 panalo sa eli­mination round ng 89th NCAA men’s basketball tour­nament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bumangon ang Chiefs mula sa isang seven-point deficit sa gitna ng fourth quar­ter para igupo ang Hea­vy Bombers.

Ginawa ito ng Arella­no ni coach Koy Banal nang wa­la si Fil-Canadian for­ward James For­rester na pinatawan ni NCAA Com­missioner Joe Lipa ng isang two-game suspension mula sa pakikipag-away kay Cameroonian center Sydney Onwubere ng Emilio Aguinaldo College.

“Ang hirap manalo,” sa­bi ni Banal. “It’s not about a perfect game but a perfect effort.”

May 3-6 baraha ang Arell­ano sa ilalim ng Letran (7-1) three-time champions San Beda (7-1), Pereptual (6-2), Jose Rizal (5-4), San Se­bastian (4-4), St. Benilde (3-5) at EAC (3-5) kasunod ang Lyceum (2-6) at Mapua (1-7).

Matapos maiwanan sa 53-59, nagsalpak si Donald Gumaru ng isang three-pointer para pasiklabin ang isang 12-3 arangkada ng Chiefs at tuluyan nang aga­­­win ang kalamangan sa Heavy Bombers sa 65-62 sa huling 54.8 segundo.

Isinara ng Chiefs ang laro mula sa isang 17-7 ata­ke sa final canto.

Humakot si Prince Ca­pe­ral ng 12 puntos, 8 re­bounds at 4 shotblocks.

Humugot si Keith Agovi­da ng walo sa kanyang 12 points sa final canto at nagdagdag naman si Adam Serjue ng 10 markers

Matapos ang dalawang free throws ni Agovida, da­ting kumampanya para sa Jose Rizal Light Bombers sa high school, tumalbog na­­man ang tangka ni Paolo Pon­­tejos sa three-point line sa huling posesyon ng Jose Rizal ni Vergel Me­­­neses.

Arellano 67 -- Caperal 12, Agovida 12, Pinto 12, Serjue 10, Hernandez 9, Jalalon 6, Gumaru 3, Nicholls 2, Enriquez 1, Salcedo 0, Cadavis 0.

JRU 64 -- Pontejos 18, Paniamogan 13, Dela Paz 9, Mabulac 7, Lasquety 4, Balagtas 4, Benavides 3, Salaveria 2, Grospe 2, Abanto 2, Juanico 0.

Quarterscores: 12-14; 24-30; 46-45; 67-64.

Show comments