^

PSN Palaro

Basketball, football eere sa Sports5 ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aksyon sa basketball at football ang matutungha­yan ng mga sports fanatics sa Sports5 ngayong araw.

Unang masasaksihan ang tagisan sa NCAA sa AksyonTV na sisimulan ng bakbakan ng Jose Rizal University at Arella alas-4 ng hapon bago sundan ng mas mainit na tagisan ng San Beda at Letran dakong alas-6 ng gabi.

Labanan sa hanay ng paboritong Barangay Ginebra San Miguel at Meralco Bolts sa Cuneta Astrodome ang ihahatid naman ng IBC 13 mula alas-5 ng hapon sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup.

Matapos ang PBA game, ang laro sa football  na CLEAR Dream Match ang sunod na mapapanood na isasaere rin ng live sa TV5.

Ang Team Phil at Team James na pamumunuan ng magkapatid na Young­husband at sinahugan ng talentadong dayuhang  manlalaro na sina Fabio Cannavaro at Dennis Wise ang magpapakitang-gilas sa larong magsisimula sa ganap na alas-7:30 ng gabi sa University of Makati.

Ang Sports5 ang na­ngu­ngunang channel sa palakasan sa bansa at ito rin ang siyang nagsaere ng laro sa 27th FIBA Asia Championship na hindi lamang napanood sa bansa kundi pati sa 41 iba pang nasyon.

 

vuukle comment

ANG TEAM PHIL

ASIA CHAMPIONSHIP

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

CUNETA ASTRODOME

DENNIS WISE

DREAM MATCH

FABIO CANNAVARO

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MERALCO BOLTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with