MANILA, Philippines - Kailangang makita uli ang pagtutulungan ng mga manlalaro ng FEU para maputol ang dalawang sunod na pagkatalo na nalaÂsap nila sa pagbubukas ng second round.
Sa Linggo pa babalik ng court ang Tamaraws laban sa UE at mahalaga ang maipanalo ang larong ito para manatiling nakalayo sa pumapangalawang National University.
May 7-2 karta ang FEU habang ang Bulldogs aymayroong 6-3 karta at ang Warriors ay nasa ikatlong puwesto sa 5-3 baraha.
Pilay ang tropa ni coach Nash Racela sa Linggo dahil suspendido ng isang laro si RR Garcia matapos matawagan ng ikalawang unsportsmanlike foul sa natalong laro laban sa La Salle.
Ang pangyayari ay magÂtatanggal sa kamador na si Garcia sa MVP race.
Higit rito, mawawalan ng 13.89 puntos, 3.89 rebounds, 2.89 assists at 1.22 steals ang Tamaraws dahil ito ang averages ni Garcia matapos ang siyam na laro.
“Everybody must step up. We have to show our collective effort if we want to win against UE,†wika ni Racela.
Si Terrence Romeo na katuwang ni Garcia sa pag-atake, ay dapat ding manumbalik ang dating porma para bigyan ng init ang laban ng Tamaraws sa second round.
Si Romeo ay naghahatid ng 19.78 puntos para sa FEU ngunit sa mga naÂtalong laro laban sa National University at La Salle, siya ay naghatid lamang ng pinagsamang 20 puntos.
Bukod kay Romeo, siÂna Michael Tolomia, Mark Belo, Roger Pogoy, Carl Cruz at Gryann Mendoza ay dapat ding maging agresibo para tapatan ang mainit na paglalaro ng Warriors sa pamumuno ni Roi Sumang.