Altas tinagpas ang Knights

Laro Bukas

(The Arena, San Juan)

4 p.m. St. Benilde vs Mapua (Srs.)

6 p.m. EAC vs AU (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Tila nasa bakasyon pa ang mga Knights.

Sinamantala ng Perpe­tual Help ang pangangalawang ng Letran College para sikwatin ang 80-66 panalo sa elimination round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan.

Nagposte si rookie Juneric Baloria ng game-high 28 points kasunod ang 25 ni import Nosa Omorogbe at 12 ni Justine Alano para sa Altas.

Nalasap ng Knights ang kanilang unang kabiguan matapos maglista ng malinis na 7-0 kartada.

Ang kabiguan ang nagtabla sa Letran sa three-time champions San Beda sa liderato mula sa magkatulad nilang 7-1 record kasunod ang Perpetual (6-2), Jose Rizal (4-3), San Sebastian (4-4), St. Benilde (2-5), Arellano (2-5), EAC (2-5), Lyceum (2-5) at Mapua (1-6).

Itinala ng Perpetual ang 23-7 kalamangan sa hu-ling tatlong minuto sa first period kasunod ang pagpoposte ng isang 21-point lead, 49-28, sa pagsasara ng halftime.

Naputol ng Letran ang nasabing bentahe sa 45-59 mula sa isang three-point play ni Racal kontra kay Omorogbe sa 3:25 ng third quarter.

Ngunit mula dito ay hindi na napababa ng Knights sa 10 puntos ang kalama­ngan ng Altas, kinuha ang 71-49 bentahe sa 9:20 ng final canto.

Umiskor si Raymond Almazan ng 15 points sa Letran. (RCADAYONA)

Perpetual 80 -- Baloria 28, Omorogbe 25, Alano 12, Elopre 5, Bantayan 4, Dizon 3, Jolangcob 3, Oliveria 0.

Letran 66 -- Almazan 15, Racal 10, Ruaya 9, Tambe­ling 7, Castro 6, Cruz 6, Nambatac 5, Gabawan 3, Luib 2, Buenaflor 2, Belorio 1.

Quarterscores: 31-9; 49-28; 69-49; 80-66.

 

Show comments