Buwenamanong panalo asam ng St. Clare, CEU sa NAASCU opening
Games Ngayon
(Makati Coliseum)
8 a.m. Opening Ceremony
10 a.m. St. Clare vs CEU
12 nn OLFU vs CUP
2 p.m .RTU vs NEU
MANILA, Philippines - Sisimulan ng St. Clare College of Caloocan ang kaÂnilang pagdedepensa ng korona sa pagharap sa Centro Escolar University sa pagbubukas ng 2013 National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) ngayon sa Makati Coliseum.
Nakatakda ang rematch sa alas-10 ng umaga matapos ang makulay na opeÂning ceremony sa alas-8.
Makakasama ni dating PBA superstar at outstanding alumnus ng CEU Integrated School of Malolos Vergel Meneses sina Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Steve Hontiveros at basketball supporter Alex Wang bilang guests of honor.
Itatampok sa seremonÂya ang paghirang sa Mr. and Ms. NAASCU kasunod ang ceremonial toss na pangungunahan nina Meneses, Hontiveros at Wang kasama sina league chairman Dr. Jay Adalem at president Dr. Vicente O. Santos Jr. ng host Our Lady of Fatima University.
Makakatapat naman ng OLFU ang City University of Pasay sa alas-12 ng tanghali, habang lalabanan ng Rizal Technological University ang New Era University sa alas-2 ng hapon.
Kabuuang walong koÂponan ang kalahok sa torneo kasama ang nagbabalik na University of Makati at bagong miyembrong Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Nagdesisyon ang AMACU at STI College, tumapos na ikatlo at ikaapat noong 2012, na huwag sumali ngayong season.
- Latest