MANILA, Philippines - Tatlong ginto pa ang kiÂnubra ng Philippine NatioÂnal wushu team upang waÂkasan ang kampanya sa 7th Asian Junior Wushu Championship bitbit ang anim na ginto kahapon sa Makati Coliseum.
Hindi hinayaan ng 18-anyos na si Noel Alabata na maunsiyami ang hangaring makapaghatid ng ginto ang mga panlaban sa sanda nang bumangon siya mula sa unang round na pagkatalo tungo sa pagdomina sa sumunod na dalawang rounds laban kay Vu Minh Duc ng Vietnam.
Natapos ang laban nang dalawang beses na naibalibag sa labas ng ring ng tubong Zamboanga City si Vu tungo sa ginto sa men’s 48-kilogram division.
“Pinepressure ko siya sa first round at kahit natalo ako, naubos naman ang hangin niya. Alam ko din na kaya ko siya,†wika ni Alabata, isang bronze medalist sa World Junior Championship sa Macau, China noong nakaraang taon.
Sina Thommy Aligaga (men’s 48kg) at Vivine Wally (women’s 48kg) ay nakontento naman sa pilak na medalya nang yumukod kina Afshin Salimi Touphara ng Iran at Guan Acui ng China habang sina Vita Zamora (women’s 52kg) at Clemente Tabugara Jr. (men’s 56kg) ay nakontento naman sa bronze medals.
Tinapos nina JohnÂzenth Gajo at Vanessa Jo Chan ang magandang ipinakita ng mga taolu arÂtists nang manalo pa ng dalawang ginto sa huling araw ng kompetisyong inorganisa ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) PSC, POC,. DOT, PCSO, Standard Insurance, MVP Sports Foundation, Arrow shirts, Summit water at Burlington sock.
Ang 11-anyos at rookie sa international competition na si Gajo ay nagkamit ng 8.99 puntos para malusutan sina Anandito Muhammad ng Indonesia (8.97) at Caleb Kiran Bala ng Malaysia (8.92) para manalo sa Group C men’s elementary gunshu.
Ang 13-anyos na si Chan ay may 9.20 puntos para manalo ng ginto laban kay Zahra Kiani ng Iran na mayroong 9.19 puntos sa Group B women’s 1st set jianshu.
Bukod sa anim na ginto, ang Pambansang manlaÂlaro ay nagkaroon din ng limang pilak at limang bronze medals para lampasan ang target na limang ginto.
Pero kinapos sila ng isang ginto para maabot ang isa pang adhikain na pitong ginto para lumaÂwig sa 100 ang gintong meÂdalya na nakuha na sa mga international competitions na sinalihan.