MANILA, Philippines - Ang pagpapalabas ng TV5 ng mga laro sa 2013 FIBA Asia Championship ang magpapatunay sa kaÂnilang masidhing hangarin na patuloy na pasayahin ang mga Pinoy na mahihilig sa larong basketball.
Ginamitan pa ng TV5 ng mga high definition caÂmeras at equipment para matulad ang kanilang pagÂsasa-ere ng mga laro sa mga naipapalabas ng mga international sports broadcast.
Dahil sa ganda ng coÂverage, ang viewership ng bawat laro sa FIBA Asia ay tumataas nang tumataas at ang laro ng Gilas Pilipinas at Hong Kong ay umani ng 4.6 milyon manood o 35.3% audience share base sa ulat ng Nielsen Media Research NUTAM noong Agosto 7.
“We, at Sports5, dedicate ourselves in brinÂging world class basketball coÂverage to Philippine free TV and to the international audience watching the FIBA broadcast in various platforms. TV5 has certainly enhanced the viewing experience of Filipinos and we will continue giving world-class coverage,†wika ni Vitto Lazatin, Sports5 Sports Manager.
Magpapatuloy ang coÂverage ng network sa mga laro ngayon sa paglarga ng quarterfinals sa torneong magdedetermina ng tatlong bansa na aabante sa FIBA World Cup sa Madrid, Spain sa susunod na taon.
Bukod sa TV5, ang mga laro ay mapapanood sa AksyonTV, HYPER at Basketball TV na siyang host broadcaster ng FIBA Asia 2013. Ipinalalabas din ang mga laro sa mga Cignal subscribers (channel 199).