MANILA, Philippines - Pakikinangin ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) ang kauna-unahang hosting ng Pilipinas sa Asian Junior Wushu Championships sa bansa sa pamamagitan ng pagsikwat ng ika-100th ginto sa pangkalahatan.
Sa pagdalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kaÂhapon, inanunsyo ni WFP secretary-general Julian CamaÂcho ang pagbibigay ng insentibo sa mga mananalo ng ginto sa 15-atletang ipanlalaban kontra sa mga lahok mula sa 23 iba pang bansa sa apat na araw na kompetisyong gagawin sa Makati Coliseum.
“Hindi pa nagsisimula ang event pero may plano na kami na magsagawa ng victory celebration. Naghanda ang ating mga manlalaro and we are confident we will be able to bring our total gold medals won in different international tournaments to 100 gold medals after this Championships,†wika ni Camacho na sinamahan sa pagpupulong ni deputy sec-gen Red Dumuk at movie actress at wushu ambassadress Bea Binene.
May 93 gold medals na ang naibigay ng WFP sa bansa sa lahat ng international tournaments na sinalihan at kailangan lamang nila ng pito pa para umabot na sa 100 ang kabuuang gintong napanalunan.
Aksyon sa taolo (form) at sansho (sparring) ang pagÂlalabanan sa apat na araw na kompetisyon at manguÂnguÂna sa pambato ng Pilipinas ay ang tubong La Trinidad, Benguet na si Alieson Ken Omengan na nagwagi ng ginto sa 4th World Junior Wushu Championships sa Macau, China noong nakaraang Setyembre.
Si Faith Liana Andaya na kumuha ng pilak sa World event ay palaban din sa kababaihan habang si Noel Alibata ang pambato sa sanshou matapos ang bronze medal na pagtatapos sa Macau.