Jacobs nakahanda sa hamon ni McCormack para sa asam na 4-peat

LAPU-LAPU, Philippines--Pala-­ ­w­igin sa apat na sunod na taon ang dominasyon sa Cobra Ironman 70.3 Phi­lippines ang balak ni Pete Jacobs ng  Australia sa pag­larga ng karera ngayon sa Shangri-La’s Mactan Resorts & Spa  dito.

Ngunit alam ni Jacobs na hindi ito magiging madali lalo pa’t patuloy ang pagdagsa ng mga mabibigat na katunggali sa long distance triathlon.

“The field is getting stronger and stronger each year and this year is no exception,” wika ng 31-anyos na tubong Sydney na si Jacobs.

Mangunguna sa pipigil sa kanyang balakin ay ang 2007 at 2010 World Ironman champion na si Chris McCormack.

Limang taon na ang nakaraan nang manalo si McCormack sa karerang ito at naniniwala siyang may sapat siyang lakas para talunin ang nagdedepensang kampeon.

Kasama niyang kakarera ang dalawang anak na sina Sienna (7-years old) at Tahlia (9-years old)  sa Alaska IronKids Philippines kahapon.

Pilit ding idedepensa ni Caroline Steffen ng Switzerland ang titulong napanalunan noong nakaraang taon sa kababaihan.

Makakaribal niya ang 2011 champion na sina  Be­linda Granger, Bree Wee at si Brit Jacqui Slack.

Ang karera ay inilagay sa 1.2-mile swim, 56-mile bike at 13.1-mile run at ang mangungunang 25 triathletes ang aabante sa Ironman World Championships sa Las Vegas, Nevada sa Setyembre 8.

Inorganisa ang karera ng Sunrise Events Inc. at handog ng Cobra at Alaska Milk habang ang iba pang sponsors ay The Philippine Star, Globe, Timex, Kenneth Cobonpue, LBC Solutions, Suarez and Sons Inc., Prudential Guarantee, Finisher Pix, Shangri-La Mactan, Aqua Sphere, Century Tuna, David’s Salon, DeVant, Gatorade, GU Energy Gel, InterCare, K-Swiss, Oakley at Safeguard.

 

Show comments