^

PSN Palaro

Training ng National shooters apektado ng gun ban: PNSA nagpapasaklolo sa POC-PSC

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpapasaklolo ang Philippine National Shoo-ting Association (PNSA) sa Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission(PSC) para mabigyan ng exemption sa gun ban na ipinaiiral sa bansa dahil sa magaganap na barangay election.

Ipinaalam ni PNSA pre­sident ret. Col. Danilo Gamboa kina POC president Jose Cojuangco Jr. at PSC chairman Ricardo Garcia na malaking problema sa asosasyon ang gun ban dahil hindi makapagsanay ang kanilang National shoo­ters na naghahanda sa South East Asian Shoo­ting Association (SEASA) Championship at South East Asian Games.

Ang SEASA ay gagawin sa Kuala Lumpur, Ma­laysia sa Nobyembre habang ang SEA Games ay lalaruin sa Myanmar sa Disyembre.

“Naaapektuhan kami ng gun ban dahil hindi kami mabigyan ng exemption. Noong local election  noong May pa nagsimula ang gun ban at patuloy na ipinaiiral ito dahil sa nalalapit na Ba­rangay election. Sana ay matulungan kami na ma­kakuha ng exemption dahil naaapektuhan ang ating mga National shooters,”wika ni Gamboa.

Ang SEASA Cham­pionships ay dapat isasa­gawa sa Pilipinas pero hu­miling ang PNSA na ipagpaliban ito sa susunod na taon dahil sa gun ban.

Pero nagdesisyon ang SEASA na ibigay na la­mang ang hosting sa Malaysia at ginawang co-host ang Pilipinas dahil malabong may sumali pa sa kompetisyon kung ito ay gagawin sa Enero o Pebrero ng 2014.

Nais ng PNSA na suportahan ng POC at PSC ang kanilang liham sa Co­melec at PNP para dinggin ang kanilang karaingan.

Nagsabi naman si Cojuangco na gagawin ang makakaya para matulu­ngan  ang PNSA.

Pero isinuhestiyon din niya kay Gamboa ang paggawa rin ng hiwalay na liham sa Pangulong Benig­no Aquino III na kilalang mahilig sa shooting.

“The President is an avid fan of shooting and I think he can help a lot to remedy the problem,” ani Cojuangco.

Nais ng PNSA na ma­kapagpadala ng malakas na koponan sa SEASA para manalo ng mga gintong medalya at pawiin ang pagkawala ng hosting sa bansa.

COJUANGCO

DAHIL

DANILO GAMBOA

GAMBOA

JOSE COJUANGCO JR.

KUALA LUMPUR

PANGULONG BENIG

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with