Gagawin lahat ni Manny Pacquiao upang maibalik ang ‘pagtitiwala’ sa kanya ng mga tao.
Hindi maikakailang nawalan ng kinang si Pacquiao makaraan ang dalawang sunod na pagkatalo kina TiÂmothy Bradley at Juan Manuel Marquez noong naÂÂkaÂraang taon. At ngayong taon, inaasahan niyang mananalo siya kay Brandon Rios sa laban nila sa China sa Nobyembre 23.
Sa totoo lang, bagama’t sinasabi pa rin nating kahaÂnga-hanga ang mga nagawa ni Pacquaio, ang huli niÂyang mga laban sa malalakas na boksingero ay nagpapatunay lamang na pababa na ang kanyang career.
Natalo ang 34-anyos na si Pacquiao kina Bradley noong Hunyo 2012 at Juan Manuel Marquez noong Disyembre, at sa laban niya ngayon kay Rios, sinabi ni Pacquiao na nakakaramdam siya ng pressure.
Sabi ni Pacquiao, inaasahan niya na ang laban niya kay Rios ang magpapabalik sa kanya sa limelight.
Sa panig ni Rios sinabi niya na mayroon siyang “enormous amount of respect†para kay Pacquiao, pero alam niya na ang Filipino boxer ay “makes a lot of mistakes†na kanyang sasamantalahin.
Noon ang inaakala ko sanang maglalaban ay sina Rios at Mike Alvarado na naglaban nang dalawang beses kung saan nanalo ng tig-isa ang dalawang boksiÂngero. Pinabagsak ni Rios si Alvarado sa seÂventh round ng kanilang unang pagtatagpo, bago nanalo naman si Alvarado sa ga-buhok na unanimous decision noong Marso
Batay sa mga napanood na natin, mahusay si Rios (31-1-1, 23 KOs) at kaya niyang makipagsabaÂyan ng suntok sa kanyang mga kalaban. Inaasahan na nating mahihirapan si Pacquiao.
Pero kahit pa ipagkaila ng kampo ni Bob Arum, alam ng lahat sa boxing community na ang move nito na ilagay sa Asian region, particular na sa China, ang laban ni Pacquiao ay isang paraan upang ibalik ang boksingero sa itaas.
Kung tutuusin, kahit pa natalo ng dalawang ulit si Pacquiao bago ang laban kay Rios, malaki pa rin ang hatak nito sa pay-per-view. At hindi naman kakayanin ni Rios na ilagay ang sarili sa ppv nang ganoon lamang. Kailangan niya ng masasandalan--si Pacquiao. Bukod dito, ito ang pinakamalaking bayad para kay Rios.
Kailangan din naman ni Pacquiao si Rios para maÂkabalik sa ‘limelight’.
Galing si Rios sa light welterweight. At ngayon ay umakyat siya sa welterweight para lamang labanan si Pacquiao. Ang welterweight ang homeground ni Pacquiao.
Malaki ang pagkadehado ni Rios.
Tama.
Maibabalik nga ng laban na ito si Pacquiao.