MANILA, Philippines - Mataas ang kumpiyanÂsa ni Milan Melindo na maÂbabawi niya ang titulong dating hinawakan ni Fil-HaÂwaiian Brian Viloria na WBO at WBA Super World flyweight title.
Makikipagbasagan ng mukha si Melindo sa nakaÂupong kampeon na si Juan Francisco Estrada ng Mexico sa Sabado sa VeneÂtian Casino and Resort sa Macao, China.
Ito ang unang pagkaÂkataon na lalaban sa le-hiÂtimong world title ang 25-anyos tubong Cagayan de Oro City na si Melindo pero di siya salat sa karanaÂsan sa malalaking laban dahil siya ang nakaupo bilang WBO international champion matapos taÂlunin sina Jesus Geles ng Colombia at Jean Piero Perez ng Venezuela sa paÂmamagitan ng 1st round TKO at majority decision.
Mas matangkad kay Melindo si Estrada na nakuha ang dalawang titulo nang gulatin si Viloria noong Abril 6 sa pamamagitan ng 12-round split decision panalo sa nasabing venue.
May respetadong 24 panalo sa 26 laban si Estrada kasama ang 18 KO’s pero hindi natatakot si Melindo lalo pa’t naniniwala siya na si Viloria ang may sala kung bakit nanalo ang Mexicano.
“Napagod siya kaya natalo,†wika ni Melindo kay Viloria.
Nakita rin niya ang istilo ni Estrada dahil undercard siya sa title defense ni Viloria at hiniritan niya ng fourth round knockout si Tommy Seran ng Indonesia.
Sa pananaw ni Melindo na tinaguriang “El Metodico†dahil sa suwabeng mga diskarte sa pagpapalambot sa mga nakalaban, mahina kung sumuntok si Estrada kaya’t kakayanin niya ito.
Nasa Macau na ang dalawang boksingero at ngayon ay maghaharap sa unang pagkakaÂtaon sa press conference sa labang handog ng Top Rank.
Itinalaga naman bilang third man sa ring ang beteÂranong si Raul Caiz Sr. habang ang mga hurado ay sina Takeshi Shimakawa ng Japan, Zolt Enyedi ng Hungary at Rafael Ramos ng USA.