Reyes masaya kahit talo ang Gilas sa Tall Blacks
MANILA, Philippines - May ngiti sa labi ni Gilas National coach Chot Reyes kahit lumasap ng 76-77 pagkatalo ang koponan sa Tall Blacks sa pagtatapos ng anim na tune-up games sa New Zealand kahapon.
Nakipagsabayan sa banggaan ang NatioÂnals na siyang ikinatuwa ni Reyes dahil kailangan nila ang ganitong istilo kapag sinimulan na ang kampanÂya sa FIBA-Asia Men’s Championships sa Agosto 1.
“Lost to NZ national team, 76-77. Tall Blacks have only been practicing for 3 days & missing a couple guys. But we played well esp Marcus Douthit,†ani Reyes sa kanyang Twitter.
Ang 6’10 naturalized center na si Douthit ay naÂpahinga sa huling dalawang laro dahil sa panaÂnakit ng likod.
Pisikal ang tagisan ng dalawang national teams at may mga manlalarong naputukan pa sa New Zealand na tila senyales na hindi na natatakot ang pambansang manlalaro na banggain ang kalaban.
“More importantly, we played physical --2 of their guys bloodied, 1 limped off, all accidental of course,†dagdag ni Reyes.
Nagkaroon ng 3-3 record ang Gilas sa kanilang mga practice games at ang mga tinalo nila ay ang Hawke Bay Hawks, 82-78 at 73-70, at ang Super City Rangers na kanilang inilampaso, 95-77, habang sa dikitang 85-86 yumukod ang nationals sa NBL All Stars at 96-100 sa Wellington Saints.
Bukod sa tune-up gaÂmes ay nagkaroon din ng pagkakataon ang koponan na makinig at maturuan ng batikang coach Tab Baldwin.
Balik-Pilipinas na ang delegasyon at dito na isasaÂgawa ang huling parte ng preparasyon na sinasandalan para sa matagumpay na kampanya sa FIBA Asia na lalaruin hanggang Agosto 11 sa Mall of Asia Arena sa Ninoy Aquino Stadium.
Huling tune-up games ng Gilas ay laban sa PBA All Stars sa Hulyo 24 sa Mall of Asia Arena at Kazakhstan sa Hulyo 26 sa Smart Araneta Coliseum.
Ang dating kasapi ng Soviet Republic ay darating ng maaga para masanay sa klima.
Hanap ng Gilas na tuÂmaÂpos sa unang tatlong puwesto sa FIBA-Asia event para makakuha ng ticket sa FIBA World Cup sa Madrid, Spain sa susunod na taon.
- Latest