Garcia alas ng Tams sa 4-dikit na panalo
MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na season ay nagtala ang Far Eastern University ng 4-0 record sa UAAP men’s basketball tournament.
Isa sa mga dahilan nito ay ang magandang inilaÂlaro ni veteran guard Ryan Roose ‘RR’ Garcia para sa Tamaraws.
Dahil dito, hinirang ang dating UAAP Most ValuaÂble Player awardee bilang ACCEL 3XVI UAAP Press Corps Player of the Week.
Sa kanilang 83-79 overÂtime win laban sa De La Salle University noong Sabado, nagtala si Garcia ng 19 points, 5 rebounds, 3 assists, 2 steals at 2 shotblocks para sa FEU.
Humugot ang ZamÂboanga native na si Garcia ng 8 points sa fourth period at nagbigay ng pasa kay Mac Belo na nagtabla sa Tamaraws sa Green Archers patungo sa overtime.
Ngayong season, nagÂÂtala si Garcia ng mga aveÂrages na 16.3 points, 4.8 rebounds, 3 assists, 2 steals at 1 block.
Tinalo ni Garcia para sa karangalan sina National University scorer Bobby Ray Parks, Ateneo de Manila University center JP Erram at kakamping si TerÂrence Romeo.
- Latest