MANILA, Philippines - Paiigtingin pa ang kapit ng Cagayan Valley sa liderato habang tatlong iba pa na magkakasalo sa ikalawang puwesto ang mag-uunahan sa ikalawang paÂnalo sa pagpapatuloy ng Philippine Super Liga ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Kalaban ng Lady Rising Suns ang PLDT-MyDSL sa ganap na alas-2 ng hapon at puntirya ng tropa ni coach Nestor Pamilar ang ikatlong sunod na panalo para lumapit sa puwesto paÂtungong semifinals.
Galing ang Cagayan Valley sa 16-25, 25-18, 20-25, 25-15, 15-13, panalo sa PSCO Bingo Milyonaryo noong Miyerkules para maÂdugtungan ang isa ring five setter panalo sa TMS-Philippine Army sa unang asignatura.
“Itong team na ito huling nabuo kaya wala kaming stars. Pero madali silang i-coach at alam nilang kailaÂngan magtulung-tulong at magtrabaho sila as a team,†wika ni Pamilar.
Hindi dapat magbago ang istilo ng paglalaro ng koponan dahil ang kalaban na PLDT-MyDSL ay galing sa 22-25, 19-25, 25-17, 19-25, pagkatalo sa Petron kamakalawa.
“Hindi kami nagkukumÂpiyansa. Kailangan lamang na nakatuon lagi ang focus sa laro,â€ani ni Pamilar.
Si Joy Benito, na bida sa panalo sa huling laro, Sandra De Los Santos at Joy Cases ang mga aatake uli para patuloy ang matinding sikat ng Lady Rising Suns.
Ang TMS-Army at Petron ay mag-aagawan sa ikalawang dikit na panalo sa pangalawang laro dakong alas-4 habang ang Cignal at PCSO-Bingo Milyonaryo ang magtutuos sa ikatlong laro dakong alas-6.
Tiyak na magiging maÂhigpitan ang labanan ng Lady Boosters at Lady TrooÂpers matapos manggaling sa panalo sa huling laro.
Ang TMS-Army na naÂÂnaig sa Cignal noong MiÂyerkules, 25-22, 25-15, 25-27, 25-18, ay sasandal sa kanilang mga beterano sa pangunguna nina Nerissas Bautista at Michelle Carolino.
Wala pang panalo ang Bingo Milyonaryo pero hindi puwedeng magkumÂpiyansa ang Cignal dahil napahirapan nila ang CaÂgayan Valley sa huling laro at kinapos lamang sa deciding set para malaglag sa huling puwesto sa liga.
Tumutulong ang Solar Sports, Asics at Mikasa para sa ikatatagumpay ng torneo na may ayuda pa ng PSC, San Juan Arena, Healthway Medical, LGR outfitter, Lenovo, Vibram Five Fingers at Pagcor.